Friday, December 31, 2004
Bagong Taon, Bagong Laban
Panahon na! Sawa na kaming mga rebolusyonaryo na makita na unti-unting lumulubog at nasasawi ang masang Pilipino! Konting oras na lamang eh sisiklab na ang pangyayaring matagal na dapat na nasimulan. Malinaw na sa isipan ng mga aktibong kabataan ang sinasapit ng bansa at kanilang buong-pusong inaalay ang kanilang buhay para sa pagsisimula ng bagong hugto sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.
Ang taong 2005 ang simula ng makabago't pinasiglang pakikibaka upang matamo ang nais ng buong sambayan hindi para sa kakaunti lamang. Ngayong bagong taon ay gumising na kabataan. Ito na ang oras natin!
Step up to the plate! We can do it! I know we can.....
9:22 PM