Saturday, January 08, 2005
Kabulukan ng Kapitalismo
98% ng populasyon ay ang maralita, 1.5% ang Middle Class, at .5% ang mga kapitalista. Ang 99% ng lahat ng property sa bansa ay hawa lamang ng 1% ng population......
Bakit ganito?!? Dahil sa sistemang umiiral sa bansa natin, ang kapitalismo.
Sa isang ekonomiyang kapitalismo, ang industriya at kalakal ay hawak lamang ng iilang mga tao ang mga kapitalista. Ang mga kapitalista ay nagmamay-ari ng kapital kung saan ginagamit nila ito para sa pag-unlad ng kanilang mga pagmamay-ari at para sa kanila. Ginagamit rin nila ito para sa pagkuha sa ploretarya upang magtrabaho para sa kanila. Ang ploretarya o manggagawa ay walang kapital, ang kanilang tanging ari-arian ay ang kanilang capacity to work o ang kanilang labor value. Ang mga Kapitalista ay ginagamit ang mga manggagawa para sa kanilang mga sari-sariling interes at binabayaran naman ng mga kapitalista ang mga manggagawa ng "sapat" na sweldo upang siya ay mabuhay pero hindi para sa kanyang pang sariling pagpapaunlad.
Sa madaling salita, ang isang businessman ay pinagswesweldo lamang ang kanyang mga empleyado ng tamang kita para siya mabuhay at magtrabaho ulit para sa kanya imbes na binabayaran siya upang tulungan siya sa pag-unlad ng kanyang buhay. Ganito ang takbo ng kapitalismo, para sa mga kapitalismo "kami lamang ang mga mayayaman, ayaw namin na ang iba ay umunlad kaya pinipigilan namin sila para maabot ang kanilang minumutying kaunlaran", yan ang pilospoiya na ginagamit ng mga kapitalista ng bansa.
Pero sino ba ang mga kapitalista? Sila iyong mga mayayamang nagmamay-ari sa lahat ng instrumentong pangproduksyon at industriya at sila ang mga humahawak sa ating current government ngayon. FYI ang gobyerno natin ay mga bayaran lamang ng mga kapitalista tulad ng mga Lopez, Ayala, Araneta, Cojuangco, Romualdez, Aquino, Madrigal at Buendia. Etong mga kapitalistang ito ay ang naghahawak ng tunay na kapangyarihan sa bansa kaya napapansin niyo na lahat ng policies ng gobyerno natin ay biased at laging para sa mga kapitalistang mga ito.
Gusto niyo ng proeba? Isang halimbawa dito ay si Noli De Castro, wala naman siyang pera pera para sa pagtakbo kasi di sapat ang kanyang sweldo para tumakbo, hindi ba? Kaya nariyan ang mga Lopez, mga may-ari ng ABS-CBN, sila ang nagbayad para sa kampanya niya kaya ngayon ay may "representative" na ang mga Lopez sa gobyerno. Eto ang katotohanan: Ang Gobyerno ay mga tuta lamang ng mga kapitalista at ang mga imperyalistang Amerikano...
---------------------------------------------------
Ang Kadayaan ng Kapitalismo:
Ayon kay Karl Marx, ang value ng isang bagay ay mula sa "labor value" nito. Ayon sa "labor theory of value" eh ang value ng isang commodity ay mula sa oras na ginamit upang ito'y ma-produce. Pero maliban dito sa "labor value" eh meron ring "use value" (ang importansya ng gamit nito) at "exchange value" (kung magkano ito ibebenta). Kunwari, may isang carrot, ang "use value" nito ay para kainin mo ito para di ka magutom at ang "exchange value" nito ay yoong pera na binayad mo para makuha ito. Ang "labor value" diyan ay yung oras na inilaan ng magsasaka para tumubo ito.
Sa mga kapitalista ay dinadaya nila ang "labor value" ng mga produktong gawa ng mga manggagawa. Bigyan ko kayo ng magandang halimbawa:
" Si Juan ay isang manggagawa sa isang toy factory. Siya ay naka-assign para gumawa noong laruang robot na nagkakahalaga ng P1000. Ang oras na para gumawa ng ganitong robot ay mga 10 hours. Ang sweldo niya ay P10 per hour kaya ibig sabihin ay kumikita siya ng P100 para gumawa ng isang laruan na worth P1000. Ang natirang P900 ay mapupunta sa kapitalista dahil siya ang nagmamay-ari ng kapital para sa paggawa ng laruan a ito. Pinapakita lang nito na ang ratio ng sweldo ng manggagawa sa bagay na kanilang ginagawa ay sobrang madaya. Ang P100 na kinita ni Juan ay gagamitin niya naman para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya pero hindi ito kasya kaya ibig sabihin ay magtratrabaho siya ulit para kumita pa ng marami pero sa kasamaang palad eh mapupunta lang sa kapitalista ang lahat ng kanyang pinaghirapan......"
Ganito mandaya ang mga kapitalista at eto rin ang dahilang kung bakit ang kayamanan ay nakalaan lamang sa iilan at ang lahat ay maghihirap at mamamatay na lamang tulad ni Juan.
Ang sistemang kapitalismo ang dahilan kung bakit lalong humihirap ang mga mahihirap at lalong yumayaman ang mga mayayaman. Kitang-kita na ito at sobrang buking na ito pero bakit walang ginagawa ang gobyerno para ayusin ito? Kasi naman, hawak ng mga kapitalismo ang gobyerno.............
Pero may nakikita akong liwanag sa dilim. Kung ang mga manggagawang ito ay kumilos at lumaban
sana eh siguradong iiba na ang takbo ng bansa natin. Kung tayong mga kabataan lamang
sana ay mamulat sa kasamaang umiiral sa bansa natin at labanan ito eh tiyak na uunlad talaga tayo. Isang rebolusyon ang kailangan para mabago ang lahat ng ito; sinasabi ko ito hindi dahil isa akong sosyalista, sinasabi ko ito dahil ito ang ating nakalaang tungkulin para sa Inang Bayan.
Kung gusto niyo paglingkuran ang bayan, paglingkuran niyo ang mga manggagawang Pilipino! Kabataan kumilos, labanan ang mapaglasong kapitalismo! Himagsikan ang tanging paraan upang umunlad ang bayan....
7:34 PM