Saturday, July 09, 2005
Pagkatapos ang mga statements ng mga schools, mga teachers, mga civil organizations, mga business clubs, at various factions na all saying that GMA should resign, ay magsasalita na ang isa sa mga pinakamakapangyarihang institusyon sa Pilipinas.
Opo, ito ang Simbahan.
Kung naalala niyo pa, ang Simabahang Katoliko ang naging "catalyst" ng lahat ng People Power Movements (excepts siguro yung EDSA 3). Kung magsasalita na ang Simbahan, malamang may malaking impact to para sa mga naka-standby na middle-class.
Sa ngayon hindi matagumpay ang lahat ng anti-GMA forces kasi wala silang suporta sa middle class. Either wala silang tiwala na sa oposisyon or wala na silang pakialam. Pero magbabago to kapag ang mga arsobispo na ang magsasalita. Kung sila ay sang-ayon sa pagbaba ni GMA, bago matapos ang buwan na ito ay *sana* matapos na ang krisis natin sa pulitika.
Sa huli, steading-steadyako sa pusisyon ko sa mga isyu. GLORIA RESIGN! You have fatally divided your people. You have no credibility and accountability to be a president anymore. The only moral thing to do is to step down. Be brave and face the consequences. Wag na nating paabutin to sa isang rebolusyon...
9:49 PM