Tuesday, July 18, 2006
Masaya na naman si Gloria!
Sa mga di nakakaalam, kaya ako di pumasok noong Friday ay dahil aking inihatid sa NAIA Terminal-2 ang aking pinakamamahal na kapatid dahil siya ay aalis ng bansa upang magtrabaho sa lupaing banyaga. Tama ho, ang kapatid ng isang nasyonalistang tulad ko ay iiwan ang Inang Bayan.
Sadyang di naman ito mapipigilan eh. Kumbaga eto ang "in" ngayon at nakikisabay lang ang ate ko sa uso. Malas nga lang natin na ang "cool" ngayon ay pag-alis sa ating bansa. Pero wala naman talaga tayong magagawa, kanya-kanyang diskarte naman yan eh.
Ika nga ng sinabi ni Sir Mario... "the best and brightest of the country is leaving the Philippines at an alarming rate". Well, sa kasamaang palad ay bilang mga estudyante ay wala tayong magagawa diyan. Basta sa akin lang, sana ang henerasyon natin ay piliin na paglingkuran ang ating bayan kaysa magpaalipin sa mga dayuhan muli.
Sa susunod na buwan ay maari ng mag-remit ng dolyar ang ate ko. Tiyak lolobo na naman sa tuwa yang si GMA.
Puta
8:32 PM