Sunday, November 20, 2005
Bored Shit: Poetry Time
Nasaan?
by: BJ Costales (Nov 20 3:44 PM)
Nakita mo na ba
Yaong kislap ng mga talang nagsisilabas?
Naranasan mo na ba?
Ang higpit ng kapalaran na napakadalas?
Narinig mo na ba
Sigaw ng hangin sa sanlibutan?
Na ibig nitong ibahagi
Lalo na sa atin, mga kabataan
Nasaan na? Nasaan na?
Wala ka bang napansin?
Oh baka nama'y ika'y walang pakialam
Sa mga nangyayari sa ating kapaligiran
Wag ng mag-atubili
Kay ikli na lamang ng sandali
Simulan na natin ang paghahanap
Sa ating nawawalang mga pangarap
Hindi mo na maitanong, kaibigan
Lahat ng pagkasawi ay akin nang naranasan
Pumutok na ang bulkan
Nabasag na ang pula
Ngunit sadyang di pa rin maalis sa akin ang tamis ng pag-asa
Wag na wag mong kalimutan, kakosa
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
3:24 PM