Thursday, November 10, 2005
Boulevard Of Broken Dreams Part 2
Continuing my story... So yun nga, nakasabay ako ng bus. Fortunately, may isa nalang na libreng upuan sa likod kaya yun hindi ako nag standing crowd. Pero unfortunately, for someone who is not in love, nasa gitna ako ng dalawang pag-iibigan.
There is room for 6 at the back row of the bus. I occupied the middle part and beside me, you woudln't believe me are two couples. One couple was a middle-aged love story na sobrang sweet pa rin kahit na may anak na sila. Yung isa naman ay yung typical college romance love story between two cute young adults. So siyempre sobrang OP ako dun kasi ako nasa gitna pa nila.
So while they were chatting and cuddling each other, I was there sitting alone in my seat doing nothing. SoI brought out my iPod which I affectionally call "Boy" (for no reason at all) para di naman ako magmukhang tanga. So I played songs and played solitaire... grabe I'm so pathetic.
Anyway, yung buong journey back home talagang OP ako. Sobrang nilalanggam na mga katabi ko sa kasweetan na ewan ko ba kung ano dapat ang aking mararamdaman. Sad and depressed pa ako niyang mga oras na yan pero habang nakaupo ako dun sa lugar na yun sa gitna ng dalawang nag-iibigang pares ay para bang gumaan ang loob ko. Hindi ko talaga gets, i felt that there is something really missing in my life.. I don't know...
....At kay tagal-tagal ng prusisyon sa bahay rin ang dating. Kailangan ko pa mag-aral sa math at science kaya ititigil ko na ito. So yun lang, eto nanngyari ngayong araw na ito. Ciao
((One positive thing that happened: Hindi ako nagbayad ng pamasahe sa bus! Dahil nga "maiinit" ang mga eksena sa tabi ko ay di na ako pinansin nung conductor. Hahaha, kaya nakabili pa ako ng mani (",) ))
10:29 PM