Tuesday, July 12, 2005
Gloria Out!
Sa Miyerkules ay isisigaw ng mga progresibo at mulat na mga grupo ang kanilang daing sa resignasyon ng pangulong pinagtaksilan at niloko ang sambayanang Pilipino. Magtitipon ang iba't-ibang grupo mula sa magkaibang sektor ng lipunan upang humingi ng hustisya at kabayaran mula sa mga krimen na idinulot ng Pangulo sa ating kabataan at sa buong Pilipinas.
Inaanyayahan ang lahat na sumabak sa martsa para patalsikin ang isang immoral at illegal na pangulo at masimulan ang malawakang pagreporma sa bulok nating sistema. Gawin nating mas makatao at para sa mahihirap ang ating gobyerno. Sana ay ang liderato ay masaayos upang ang mahalal na mga opisyal ng bansa ay hindi iyong mga tradisyunal na pulitiko, kundi mga matatapang at makikisig na anak ng bayan na paglilingkuran ang Pilipinas para sa ikabubuti ng lahat at di lamanag para sa kanilang pansariling interes.
Mga kapwa kong kabataan, wag kayong matakot, wag niyo itong isawalang bahala. Wag lang sana natin pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas, kundi tayo mismo ang gagawa nito.
Mabuhay ang Pilipinas!
6:09 PM