Sunday, January 09, 2005
Smite the wicked
Let's put a side politics for a while and let's talk about religion......
Noong science time eh bigla kong nasabi na isa akong atheist, an unbeliever, pero sa totoo lang nadala lang talaga ako kaya hindi talaga totoo yan. So pag-uwi ko eh iniisip ko pa rin kung bakit nagawa ko yon at di ko talaga maintindihan, siguro nga nawawalan na ako ng faith.
Actually, matagal na akong ganito. Ironically, nagsimula ito last year, noong Student Religion Coordinator ako. Last year ay marami akong nabasang mga atheist literature at debates sa internet at sinubaybayan ko ito. At yun na nga nakita ko ang sarili ko na lumalayo sa Church at nag-iba na talaga ako.
Hindi ako atheist, mas appopriate na tawagin akong
Christian Anarchist. Ako'y naniniwalang meron ngang tunay na Panginoon sa langit, pero aking paniwala na iisa lamang ang Diyos at iyon ang Diyos nating lahat ke- Kristiyano o Muslim o Hudyo ka pa iisa lang talaga ang Diyos.
Ang iba lang sa pagiging Christian Anarchist eh hindi ko nirerecognize ang authority ng Simbahan. I only answer to God and God alone. No human organization can ever tell me to do what I do.
So sa mga friends na nagulat sa ginawa ko dati, wag na kayong magulat. Isa po akong believer ng Diyos ngunit hindi ako nainiwala na ang Simbahan ang tunay na "Church" na tinayo ni Jesus Christ.....
2:36 PM