Sunday, February 27, 2005
Part 2: EDSA Experience
February 22- Eto yung araw nung aming recollection. Yung mga ibang students ay pinauwi na dahil half-day kami kasi meron yatang usapan yung mga teachers. Pero kami eh nagpatagal pa kami kasi sabi ni Sir Joan para "mapalapit" daw kami kay God........Aysus maryosep!
Pero bago kami pinaalis nung mga 2:00 na yun, eh sinabi ni Ms. Dolly na meron raw rally sa EDSA nung araw na yon. So sabi niya, wag na raw kami maglalakwatsa, specifically sa Galleria kasi baka raw magkagulo. Kaya yung mga iba na lang eh nagbasketball na lang sa FMAC kasi di na natuloy yung lakad namin sa Galle. Pero kilala niyo naman ako diba? Kaya nagpunta ako sa EDSA........
Paglabas ko pa lang sa La Salle eh nakita ko na kaagad yung mga taong pupunta sa rally. Kasi ba naman, yung mga jeep at transportation nung mga lalahok eh nakaparada sa harap ng La Salle. Kasama kong naglakad papuntang EDSA ay ang maralitang Pilipino, mga kapatid nating di nahandugan ng mabuting buhay di tulad ko. Iba naging pakiramdam ko habang tinatahak namin ang kalsada papuntang EDSA, para bang sumaya ako ng kaunti. Sa wakas, nagsisimula na ang buhay-serbisyo ko para sa bansa at sa mga mamayan nito. Kay sarap ng pakiramdam.....
Ang napansin ko nga lang dun sa mga kasama ko eh para bang hindi nila alam kung bakit nandoon sila. halos lahat ata ng kasama ko doon eh mga kababaihan at mga dala-dala nilang mga anak. Para bang sa tingin ko eh hindi sila pumunta dito para magprotesta at lumaban......parang may nagtulak lang sa kanilang pumunta. At habang ako'y naglalakad eh napapa-isip na ako, militanteng rally ba talaga napuntahan ko? Yung mga kasama ko eh sa People Power Monument ata punta pero ako papuntang EDSA Shrine. Dito ako nagsimulang nagtaka.... Nalaman ko na lang ang kasagutan nung nakaabot na akoi sa EDSA Shrine......
Pagdating ko sa Shrine eh nakita ko yung mga naka-yellow na mga kababaihan na may dalang flag at paraphernalia para sa isang rally. Pero.....di ko nakita sa kanilang mata yung revolutionary fervor na makikita sa mga emotional rallies tulad nung EDSA One. Nagdududa na talaga ako kung maling rally ata napuntahan ko........
Naghintay ako ng kaunti....maaga pa naman kasi eh. Pero sa sobrang nakakatamad ginagawa ko at umiinit na ang araw (dala-dala ko pa yung mga palanca letters niyo) eh naisipan ko nalang na umuwi. Kaya yon, sumakay na lang ako ng bus at umuwi na lang ako..........
Pero di pa nagtatapos ang storya ko, pagkasakay ko sa bus eh may flash report na lumabas. Siyempre tungkol to dun sa nangyayari sa EDSA. Dito ko talaga nalaman kung bakit walang buhay tong rally na pinuntahan ko. Nalaman ko pala na isa tong government demonstration! Habang nandun pala ako sa EDSA Shrine eh nandun si Gloria sa People Power Monument.........binobola yung mga taong nandun....Putang ina niya!
At eto pa, meron pa talagang tiangge dun sa PPM para daw sa mga "mahihirap". Wag mo nga babuyin tong sacred celebration na ito, GMA! Sa tingin ko rin yung mga nakasabay kong mga nanay at bata dun eh hinakot lang ng gobyerno mula sa mga slums para lang daw may "pumunta" sa rally nila! Hahahaha, kasi ba naman wala ng pakialam ang tao sa mga inyo! Kailangan pa talagang bayaran ang "kidnapin" ang mga tao para lang may makarinig sa walang kakwenta-kwenta niyong speech! Ewan ko na lang kung may nakaintindi sa speech mong walang kwenta!
Wow hayop ang aking sinabe ahhh.......di pa nagtatapos ang EDSA Experience ko......yung nangyari naman nung February 25.....pero sa next post ko na yun.......bye muna
3:32 PM