Saturday, January 15, 2005
Updates!
Tagal na akong di nagpost sa blog na ito so i-update ko lang kayo sa mga nangyari this past week.
Jan 10: Wala lang, normal na araw lang. Umulit ulit ako sa practical exam sa Pe pero sa kasamaang palad walang nagbago sa grade ko; 21 ulit nakuha ko, eto rin nakuha ko dun sa two-ball eh, di nagbago pero okay na nga rin yun, mataas na eh. Yun, as usual, naghasik na naman ako ng lagim sa buong klase at nagsimula na naman ang circulation ng "information". Pumunta rin pala ako sa galleria para.....MAGLARO, grabe talaga aako school day naglalakwatsa, buti na lang alang paki parents ko..... :)
Jan 11: Isa ring walang kwenta na araw na sinayang ko. Nagkaroon lang naman kami ng isang über Social Science exam at di na naman ako nag-aral. Ironically, I think that I got a high mark in this test, aka perfect pa nga ako eh. Pero bagsak nman ako dun sa test sa Computer. Fuck the power!
Jan 12: Umulit na man ako sa practical and guess what, nakakuha na nman ako ng 21! Mein Gott! Bat ako kinakahon ng 21?! Ahh oo nga pala, naging seatmate ko si Katotong Timothy or
Ka Moety for short. Aba dming nag-react bat raw "ipagsasama ang dalawang hari ng intriga't tsismis"? Ok pala tong si Moti, dami kong natutunang bagong ka-engengan at daming mga "info" tungkol sa mga teacher namin lalo na tungkol kay "Sahig". Reporting rin namin sa Soc Sci, sabog kasi boring topic namin eh.
Jan 13: ANTOK NA ANTOK AKO SA ARAW NA ITO! Halos lahat ata ng classes eh nakatulog ako, hehehe. Backstabbing day; daming kinwento na nman si Moety especially kay Mrs. Lou. Ewan ko ba buong math time yata namin kinwento lang niya sa akin lahat ng naalam niyang mga kabalastuga tungkol sa mga teachers namin. Exams namin sa computer pero this time eh siguradong mataas ako, anong klase yon, quarterly exam mas madali sa hamak na test?!?! Gabi na ako natulog sa araw na ito daming gawain comp proj pa. At may nalaman rin pala akong bagong juicy "info"......
Jan 14: Band recitals pero buti na lang di ako napili. Tapos meron rin kaming über exam sa Science na nakakuha ako ng mababang grade. Buong math period eh katulad nung nangyari kahapon, puro backstabbing at backstabbing at backstabbing at........ backstabbing! Pansin ko rin na nagalit si Mrs. Lou....hmm bago yun ah... Pagkatapos lahat eh nagpuntahan kami sa Galleria para mag meet-up sa mga prendsters from our sister class. Akward yung nangyari, nawala yung pagka-suave ko di ko maintindihan. Kaya umalis na lang ako para MAGLARO. Pero marami nama akong bagong nalaman at natuklasan tungkol sa mga connections between us. New material, new Link-ups, new stories. What a productive week......
* Events with a political side of things:
- Kinausap nga pala ako ng isang taga Sanlakas Youth from UP Manila. Tinanong sa akin kung san daw ako sasali, sabi ko sa LFS. Sabi niya pag-isipan ko raw yun ng mabuti..... Wow, di ko alam na in-demand na pala ako.... @_@ asa ako! XD
1:13 PM