Thursday, February 17, 2005
You got the package, kid?
Napansin niyo naman siguro no? Bago na lay-out ko! Yipee!
Nakita ko na yung grades ko! Masaya naman ako tumaas kasi ako ngayon eh. At eto pa, Top 1 ulit ako sa Soc Sci! Now my studies are now back-on-track, siguro naman I deserve a break......not! :(
Narinig niyo naman siguro yung nangyaring bombahan sa Makati nung Monday no? Valentine's Day pa naman yon, daming nasaktan at meron pang namatay. Inamin na ng Abu Sayaff na sila ang may pakana nito pero nag-aalinlangan parin ako ngayon eh. Sa tingin ko hindi sila yung gumawa nito, HINDI dahil kakampi ko sila (bat ko kakampihan mga tarantadong mga to?) pero may mga inconsistency na nakikita eh.
Considering na
kakaunti na lamang ang ASG (like 50 or so..), mahirip isipin kung pano nila nagawa itong wide-scale bombing na ito from 3 locations (Makati, Davao City, at Gen. San). Isa pang factor na dapat i-consider ay ang
pagplano at pag-execute ng mga ganitong operations. Mahirap magawa to ng ASG dahil ang base of operations nila eh sa Sulu at lagi silang tumatakbo kaya talagang malabo na nakaplano pa sila ng ganun( or baka sobrang galing lang talaga nila. Eh hindi nga sila ma-tugis ng militar eh!). Isa pang kailangan makuha eh mga
materials na gagamitin. Di ko na i-eexpound about that pero I think you get the picture na....
At common sense na rin, bat naman pabigla-bigla ang pag-amin nila? Ngayong gipit na gipit ang mga Abu eh parang propaganda lang yang pag-amin nila. Parang last-ditch effort na lang nila yan para matakot ang mga tao sa kanila. Medyo nagtagumpay sila......KASI NAMAN YANG GOBYERNO NAMAN MISMO ANG NAGPAPALAKI SA ISYU EH. Pero tandaan niyo lang mga peeps, wag laging maniwala sa balita. Pag-aralan at siyasatin rin ito......
*Oo nga pala, Nur Misuari-backed na pala ang ASG kaya ang "responsable" dito eh MNLF at ASG.
7:18 PM