Sunday, March 20, 2005
Katoto is Back
Wow grabe tagal ko ng nawala kaya ang dami ko ring pwede mapag-usapan! Ganito talaga ang hirap kung hindi ka madalas magpost....hehehehe
Una muna, pinasasalamatan ko lahat ng tao at sa "kanya" para sa meaningful na taon ko dito sa 2nd year. Kilala niyo naman siguro "siya" diba? Siyempre si God or Allah or Yahweh, siya ang puno't-dulo ng lahat ng ginawa ko ngayon dahil siya ang pinakamaganda bigyan ng tribute. Sa lahat ng mga classmates ko, yung mga tumulong sa akin, yung mga nagpakopya ng assignments, mga nagpautang, mga nanglibre, mga nakasama ko sa asaran, sa biruan at sa pagraramayan....Mahal ko kayo lahat! Sa mga teachers ko na naging malaking bagay sa pagbuo ng aking pagkatao, sa mga naging mabuti at mabait sa aming mga estudyante at dun rin sa ibang bumagsak at ginago at tinarantado at binaboy ang mga grades ko........Mahal ko parin kayo! Sa mga taong naging inspirasyon ko, lalong-lalo na family ko na naging kasama ko sa buhay ko......Mahal na mahal ko kayo! At sa mga di ko nabanggit o di ko kilala, wag kayong mag-alala....Mahal na mahal ko rin kayo!
So ayun, tapos na rin sa wakas ang kalbaryong pinagdaan ko sa 2nd year. Panahon na para mag-enjoy! Kaya mga friends, kita-kits na lang sa June or kung may plano tayo eh sa summer eh gumimik naman tayo! Mabuhay!
4:44 PM