<bOdy><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9769093?origin\x3dhttp://katoto.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> >
Sunday, August 13, 2006


PARLIAMENT FAQ by BJC


Critic Wrote:
ayoko ng charter change dahil parliamentary form of government ang ipapalit. bale sila sila nalang ang magpipilian sa mga sarili nila kung sino sino ang mga susunod na pangulo, senador, etc. e di kung gustuhin ni gloria na maging pangulo ang anak nya, maaari nya yun agad gawin na walang kahirap hirap sa pangangampanya at pangamba na matalo ito, dahil pwede na agad nyang ideklarang pangulo ang anak nya, yan ay kung papayag tayo sa charter change.
kapag ganyan ang gobyerno ng pilipinas, masasabi kong nde na tayo isang malayang bansa. ang karapatan at kalayaan nating mga pilipino na bumoto para sa magiging lider natin at nagpapalaya sa ating bansa.

cha-cha:anarchy


konting paliwanag lang:


1) Definition muna

a. Parliament- isang unicameral house kaya ibig sabihin imbes na may upper at lower house, isang legislative body nalang. At Tsaka, sa isang parliament, mas connected (in theory) ang executive at legislative branches kasi ang "Executive" (ie the prime minister) is technically a member of the "Legislative"

b. Executive- branch of gov't that executes the laws and runs the gov't
Legislative- branch of gov't that creates laws

c. "Prime Minister"- head of gov't, siya ang Chief Executive, ang namamhala sa gobyerno. Is chosen by the MPs of the "Majority Party". Holds political power

d. "President" - head of state. sa isang parliament, ito ay isang ceremonial position lamang. Kumbaga, para siyang ang representative natin sa Miss Universe (analogically speaking). Mostly diplomatic ang ginagawa. Chosen by the Prime Minister. Holds no (or limited) political power

e. "MP" - Members of Parliament. Sila yung directly voted by the people. Sila ay parang mga "congressman" dahil nirerepresent nila ang district nila.

f. "Majority Party"- ang partido that holds the most seats in Parliament. Siyempre, kung mas marami kayo, mas malakas kayo. Sila ang pumipili sa Chief Executive, ang "Prime Minister"





2) "Sila-sila ang pipili"

Well, ang magiging "majority party" sa parliament ang pipili ng Prime Minister. Ngayon, kung lagi nananalo ang "Majority Party", talagang sila sila lang ang pipili ng Chief Executive kasi ganun ang sistema, alanganamang iboboto ng isang MP ang isang rcandidato ng rival party... malabo yun. Mananalo lang ang "Majority Party" kung nanalo ang mga MPs nila sa eleksyon. Yund diagram below ibig sabihin kung sino ang boboto ng sino.

People vote MPs vote Prime Minister





3) "Prime Minister chooses President"

"President" - head of state. sa isang parliament, ito ay isang ceremonial position lamang (Parang sa Monarchy ng UK). Kumbaga, para siyang ang representative natin sa Miss Universe (analogically speaking). Mostly diplomatic ang ginagawa. Chosen by the Prime Minister. Holds no (or limited) political power in theory

Kasi sa parliament, iba na ibig sabihin ng "President". Nasanay tayo sa isang republican presidential system eh. Tandaan niyo, ang Chief Executive ay ang Prime Minister at figurehead lang yang President...... theoretically speaking.





4) "Hindi Na Tayo Malaya"

Actually, ang hindi magiging malaya sa parliament ay ang mga pulitiko. Sa isang parliament system, bawal na ang balimbing. Di na pwede magshift ng alliances at magkakaroon ulit (in theory) ng dalawang "super parties" na maglalaban-laban. (Much like the democrats and the republicans.... in theory icon_gonk.gif ).

Politically and socially, hindi naman ma cucurb ang ating mga rights at freedoms eh. Unless na may tarantadong law na pinasa ang parliament para mawala ang freedom natin, essentially malaya parin tayo.

Economically, kung balang araw ang magiging "majority party" ay isang socialist party, siguro magkakroon ng isang massive overhaul ang economic system natin... pero that's in theory






5) "Cha-Cha/ Parliament System: Anarchy"

Definition muna: In political terms, ang "anarchy" ay isang political theory kung saan walang "sistema", ibig sabihin absolute freedom; no laws, no gov't, no social strata, etc. In laymans term, ang "anarchy" ay magulo, violent, tumulous, etc.

Gamit ang definition na ito, tingnan natin kung tama:

a. Politically: no, parliament is not anarchy. The notion of "parliament" means na may gobyerno.... kaya walang anarchy icon_gonk.gif

b. Layman's Term: Yes and no:

1) Yes dahil kilala ang parliament system bilang isang volatile system. Merong tinatawag na "dissolution of Parliament" kung saan mag-reresign lahat ng myembro ng gobyerno at magkakaroon ng panibagong eleksyon. Kung nagkakaroon ng kaguluhan sa Parliament at ang prime minister ay di na sinusuportahan kahit ng "Majority Party", pwede magsagawa ng "Vote of No Confidence" para matanggal ang Prime Minister instantly at magkaroon kagad ng eleksyon. Dito na naman papasok ang pamumulitika at kung ano anong katarantaduhan ng mga pulitiko.

2) No dahil mas nakakakilos ang gobyerno ng mas effective sa isang PArliament System. Alam natin na unicameral na ang parliament kaya di na kailangan dumaanpa sa butas ng karayom bago makapasa ng bagong batas. Mabilis ang paggawa ng batas at mabilis rin maiimplement ito. Downside nga lang ay baka di nman kaayaaya mga batas, at baka "quantity over quality" ang mga batas na matupad.


2:12 PM


Comments: Post a Comment
.: Hoy Tulog Na



.: Feel mo?

The current mood of katoto at www.imood.com


.: Nasaan?

Hoy! Bagong lay-out, give a shout-out naman!

.: Fellow Drunkards

HapiFamily*
Jaco*
Archie*
Vince*
Larry*
Jio
Ogie*
Vitto*
Timothy*
Migo*
Joseph*
Nikki*
Lirei*
Patice*
Poj*
Ayel*
Angela*
Betsy*
Des*
Joan*
Lib*
Betbet*
Jessie*
Kenneth*
Gerard*
Jay*
Butch*
Ms. Mace*
Sir Lobo*


.: The Specialists

Manuel Quezon III*
JJ Disini*
Ederic*
Tina Panganiban-Perez*
Sassy Lawyer*
Jove Francisco*
Punzi*
Victor Villanueva*
Yuga*
John Marzan*
PCIJ*
The Unlawyer*


.: Sumigaw
Ano sabi mo?
Name:

Sex:

Sigaw: (smilies)


.: Old School
Hinuhulugan na sila.....
Masaya na naman si Gloria!
Ang Awit ng Manggagawa
Wisdom is wasted on the old
Narda
Apres bonheur, le deluge
Bored Shit: Poetry Time
Si Harry ang Mangpapaso at ang Baso ng Apoy
Oh Really Now
Latino Legend Dies


.: Retro
December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 November 2005 January 2006 March 2006 May 2006 July 2006 August 2006 May 2007