<bOdy><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9769093?origin\x3dhttp://katoto.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> >
Sunday, March 27, 2005


Mamatay na ang dapat mamatay


THE FILIPINO PEOPLE DO NOT DESERVE A DEMOCRACY

Nakita niyo ba yon?! Ako nagsulat niyan malamang! Ayoko na dito sa Pinas, walang kwenta na ang takbo ng buhay dito sa atin. Nawawalan na ako ng pag-asa natin kung magpapatuloy pa ang ganito. Di ito kasalanan ng mga tao, kasalanan ito ng DEMONYONG GOBYERNO NA YAN. Di ako nagiging stereotypical dito, kasi TOTOO tong sinasabi ko at marami ng "malinaw" na proeba para patunayan ito (malinaw nga pero bat wala tayong pakialam?!?!)

Mabuti pa siguro dati nung panahon pa ni Marcos.... buti noon eh maayos- ayos pa ang Pilipinas nun. Oo nga't di tayo makakilos ng husto noon pero ngayon ba may pagbabago parin?! Eh mag-rally ka nga lang peacefully eh tingin na sa iyo terorista! Mas malala pa nga to eh!

2nd ang Pinas sa pinaka-corrupt na bansa sa Asia....Baket?! Eh kasi yang sistema natin eh! Yan ang dahilan kung bakit mnagkakaganito tayo! Kasi ba naman... kung nakikita ng mga tao na nangungurakot ang mga nasa posisyon.... eh di tingin rin ng mga tao na "tama" mangurakot kasi yung mga nasa taas eh ginagawa rin ito eh! Ganito kalala ang problema dito! Walang hiya kayong mga nasa gobyerno! Masunog na kayong lahat sa impyerno!

Ano ba solusyon diyan? Eto di na naman to stereotypical ha pero eto lang ang masasabi ko... isang REBOLUSYON. Tama nga mga kapatid, eto lang ang paraan kung paano tayo lalabas mula sa kadilimang ito. Hindi na mababago ang lipunan, hindi na natin ito maayos. Talagang bulok ang lipunan natin kaya ang kaya na lang natin gawin eh IBAGSAK rin ang ating lipunan! At mula sa mga labi ng napabagsak na lipunan ay MAGTATAYO tayo ng isang bagong lipuna't gobyerno na para sa 99% NG PILIPINO (99%- Ang masang pilipino) at hindi para sa mga surot at sakim ng dating panahon. Isang lipunan kung saan binibigyang-halaga ang KAUNLARAN, KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA AT PAGKAPANTAY-PANTAY.


Ang bagong gobyerno ay isang establishimentong KAMPEON NG POPULISMO. Mga grupo ng mamamayan na kumikols para sa tao at hindi para sa mga korporasyong sinisipsip ang buhay ng Pilipinas. Isang gobyernong may disiplina at hangaring maglingkod at maglingkod lamang. Isang grupong malapit sa puso ng mga mamamayan, mga karamay at katulong nila sa pag-unsad ng bagong Pilipinas.........

Ito ang Pilipinas na aking minimithi....... matutulungan niyo ba akong gawin natin itong isang pangarap na natupad?


7:25 PM


Comments: Post a Comment
.: Hoy Tulog Na



.: Feel mo?

The current mood of katoto at www.imood.com


.: Nasaan?

Hoy! Bagong lay-out, give a shout-out naman!

.: Fellow Drunkards

HapiFamily*
Jaco*
Archie*
Vince*
Larry*
Jio
Ogie*
Vitto*
Timothy*
Migo*
Joseph*
Nikki*
Lirei*
Patice*
Poj*
Ayel*
Angela*
Betsy*
Des*
Joan*
Lib*
Betbet*
Jessie*
Kenneth*
Gerard*
Jay*
Butch*
Ms. Mace*
Sir Lobo*


.: The Specialists

Manuel Quezon III*
JJ Disini*
Ederic*
Tina Panganiban-Perez*
Sassy Lawyer*
Jove Francisco*
Punzi*
Victor Villanueva*
Yuga*
John Marzan*
PCIJ*
The Unlawyer*


.: Sumigaw
Ano sabi mo?
Name:

Sex:

Sigaw: (smilies)


.: Old School
Katoto is Back
Part 2: EDSA Experience
Pagbabalik-Tanaw: Katoto's People Power Revolution...
"Reachout at Recollection" Recollection
Pleurnicheries d'herbe siffleuse dans les plaines..
You got the package, kid?
Red Light District
Your Blood is Also Red
The East is Red
chitty chitty bang bang


.: Retro
December 2004 January 2005 February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 November 2005 January 2006 March 2006 May 2006 July 2006 August 2006 May 2007