Saturday, April 02, 2005
The pope is sick
Yeah, kung di niyo pa alam (or wala lang talaga kayong pakialam) eh nasa kritikal na kondisyon na si Pope John Paul II! So sana pumunta lahat tayo sa respective nating mga churches para ipagdasal ang leader ng Catholic Church....
On a much lighter side of the story, pinag-uusapan namin ng parents ko kung ano yung maaring mangyari kung sakaling mamatay si pope. Eh di sabi ko, pagnamatay na si Pope si Cardinal Sin ang papalit sa kanya pero sinabi ko to as a joke. Biglang sabi ng ever-explosive kung nanay (na inis na inis at suklam na suklam kay Cardinal Sin) and I quote "Ano?!?! Yang si Cardinal Sin bagong pope?!?! Eh dito na nga sa Pilipinas eh sirang-sira na eh wag niyo na ipadala sa Vatican City yan, baka magsialisan na sa Simbahan mga tao dun! Eh sa pangalan pa lang eh siguradong wala na!"
Tawang-tawa ako.. wala lang =)
PS. PRAY FOR PJPII
8:54 PM